A lady netizen named Loise Flores took social networking site Facebook and post her recent experience with a ‘manyak’ taxi driver on midnight of October 22, 2014. On her Facebook post, she described the taxi driver of FLOR – NIÑO with plate no: UVS 195 as “Maliit lang sya na Manong, mapayat at maitim na may malaki at manyak na mata.” Her uploaded video is now making rounds on Facebook with over 750 likes and 1,326 shares as of writing.
Here’s her story:
Babala: Wag kayo sasakay sa taxi na’to.
Taxi Name: FLOR – NIÑO
Plate No: UVS 195
Driver Description: Maliit lang sya na Manong, mapayat at maitim na may malaki at manyak na mata.
Sumakay kami ng katrabaho ko sa Taxi na yan mga 1am. Bumaba ung kasama ko sa may Hulo. Dumiretso kami pa-Vergara at ako na lang ung naiwan nun.
Pinatay nya ung radio mga ilang minuto pagkababa ng kasama ko. Pero habang pinagmamasdan ko ginagawa nya eh may pinipisil sya at kunwareng sabay kuha ng CD sa may likod ng metro. Naga-antay ako ng mga 10 secs pero di naman nya sinalang ung CD. Makalipas ng ilang minuto pa nun eh nakaramdam na ako ng pamamanhid ng paa, kamay at hirap sa paghinga. Mabagal din ung pag-andar nung sasakyan at pahinto hinto sya. Lalo ako nahilo at dun na ako nagdecide na bumaba. Sabe ko “AY KUYA JAN NA LANG PO!”. Napahinto sya pero di ko inabot ung bayad hanggat di ko nabubuksan ung pinto. Pagkabukas ko ng pinto sabay abot ng bayad at dali dali akong lumabas at palakad na patakbo ako palayo opposite way.
Akala ko safe na ko nung nakalabas na ko sa Taxi nya pero nag-UTURN sya bigla patungo sa way ng nilalakaran ko sabay sigaw “HALA SIGE TAKBO”
Binilisan ko ung takbo ko at sa planung hihinto ako pag bigla syang humarurot papunta saken. Tulad ng inasahan ko, kitang kita sa CCTV na pinagbabaan ko na humarurot nga sya patungo saken. Kaya tumakbo ako sa pinakambilis na kaya ko.
Pakiramdam ko huling araw ko na yun at di na ako makakauwe pero sabe ko “Lord ayaw ko po mamatay na ni-rape o pinahirapan. Iligtas nyo po ko!”
Sinabayan nya ung bilis ng takbo gaya ng inasahan ko kaya bigla akong huminto para mauna na sya saken. Ang masaklap dun eh bago nya ko malagpasan eh tumingin sya saken at sabay sabeng “TATAKBO KA PA HA!”. Inabangan nya ko sa dulo ng kalsadang tatakbuhin ko sana.
Buti na lang may dumating na mag-asawang nakasingle motor. Sobra akong nagmakaawa na iangkas nila ko kasi namamanhid na ung paa at kamay ko at ung taxi na sinakyan ko eh inaabangan ako sa dulo.
Buti na lang naawa sila saken at di na nag-alinlangan na ihatid ako sa sasakyan ko pauwe.
Sa lahat ng mabilisang pangyayare na un. Ramdam ko na ang Dyos ang nag-ingat saken. Ung motor na sinakyan ko ang sabe nung lalaki eh di nya daw talaga sinusundo ung Misis nya pauwe galing sa trabaho at nagkataon lang na naisipan nyang gawin un nung araw na un at nagkataon naman ung mga oras na un eh sila ang naging escape ko para makalayo sa Taxi na nagaabang saken.
Iniisip ko pa lang ung maaaring maging kahantungan ko sa taxi driver na un eh di ko na maiwasang umiyak. Pero sa tuwing maaalala ko ung pagka-escape ko sa tulong ng dalawang mabait na nilalang na tumulong saken at sa pagpapadala sakanila ng Dyos para iligtas ako ako sa tiyak na kapahamakan eh di ko na mapigilang humagulgol sa pasasalamat.
SALAMAT SA PANGALAWANG BUHAY PANGINOONG HESUS!
god is always be there to guide us..to help us. d nya tayo pbabaya-an… dasal lang po…..salamat at naka ligtas ka…
Hopefully the cab driver has been traced now by the police. LTO must do something too. Ingat tau lahat lage and always pray before leaving the house. Guardian angel must be there.
Thank God talaga kasi safe si ate loise nakauwi .. sana lang maalerto mga tao ng lto ..
ang swerte mo 2 guardian angel ung pinadala sau kya k nailigtas,keep safe always…and GOD bless.dun sa manyakis n driver…sana dumating ng ang oras mo.sunduin k n ni taning….
Thank God nothing horrific happened to her and bute nalang at that time that couple happened to pass by. This is why i use Uber whenever i go home late at night. Its safer. A lot safer.