in

WARNING: New Modus Operandi of a Taxi Driver at NAIA Terminal 2

Taxi drivers in Philippine airports are notorious for charging an excessive amount particularly to foreigners and OFW’s. In fact, the term “taga” or expensive has been used to describe taxi fees of airport cabs.

We have heard of several taxi scams which took advantage of oblivious travellers commuting from the airport inthe past few years. Fortunately, the social media has been instrumental in spreading the stories of the victims and  warning the public against these charlatans.

Through time, these fraudsters have become more creative in finding new ways to earn “extra” cash.

Now, there’s a latest taxi modus operandi which allegedly involves airport security guards at the NAIA Terminal 2.

On November 16, Sunday, Marl Asiatico Nitura posted his experience with a certain taxi driver at NAIA terminal 2.

PHOTO CREDIT:  Marl Asiatico Nitura
PHOTO CREDIT:
Marl Asiatico Nitura

He wrote:

MAG-INGAT SA TAXI NA ITO!

Akala nya siguro eh OFW ako, habang nakasakay inilabas nya ang isang “laminated” na tarrif/rates. Sabi nya “Sir Dollar Rates tayo ha” at sabay abot nito. Sinakyan ko muna ang trip nya, nakita ko 55$ papunta ng Antipolo, sabi ko “ang taas nito manong… halos 2500 na ito sa Piso!” Sabay sabi may hati kasi daw ang mga guards ng NAIA. Sabi ko “Bawal ang ginagawa nyo!, Regular taxi ka lang at walang accreditation, nanloloko kayo ng pasahero!” Sabay labas ko ng Media ID ko. Cool lang si Manong Driver at sinabi “Ibalik ko na lang kayo sa Airport, pasensya na sir”. Pagbalik sa airport napansin ko na dire-diretso lang sya sa departure at hindi sinita ng mga guards. Pagbaba ko bumalik sya agad sa datng pwesto nya at nilapitan ng isang guard. Matagal silang nag-uusap at sa tingin ko kasabwat nya. Ng makasakay ako ng taxi after 15 mins naka-park pa rin cya dun kausap ang guard. Nilabas ko ang CP ko para kunan sila ng litrato. Dito na lumayo yung guard. Mag-ingat kayo sa mga ganitong raket sa airport. Sana pasyalan ito ng LTFRB.

Written by mmalabanan

Mini is a work-at-home mom from Laguna. Aside from writing, she's passionate about breastfeeding and homeschooling.

20 Comments

  1. taxi driver din ako alam ko yan mga gawain na yan mga taxi warrior kng twagn sila kasabwat talaga ang mga guard ulti mo mga pulis sa check point palang bago ka umakyat pag wala kang pasahero o kilala ka ng mga guard at pulis kailangan mo magbigay ng 100pesos…50 sa guard 50 sa pulis…na tulfo na yan pro wla din babalik at babalik lng yan kc nga kasabwat lahat ng mga guard at pulis khit san terminal 1,2,o sa t3 kaya ang kawawa e ang mga pasaherong wlang alam sa kalakaran sa airport……..tamaan na kng sinong sapul

  2. Nabiktima din po aq jan sa airport NAIA terminal 2. Naghahanap kasi ako nang metered taxi tapos sinalubong ako nang lady guard. Sabi ko papunta ako nang duty free fiesta mall kuha nang OEC, sabi nia malayo daw yun charge nia ako nang 800. Sabi ko bakit ang mahal, last Oct 6, 2014 kasama ko kaibigan ko papunta Pasay sa Hotel Sogo kasi dun ako magcheck.in eh wala namang ganyan, meter lang. Sabi ko may recebo po ba kayo? Sabi naman OO. Kaso sinabihan ko talaga na bakit ang mahal, diba meter yan. Sabi ko maghanap nalang ako nang iba, kaya dina down niya to 400. Pumayag nalang ako kasi nagmamadali na talaga ako.Nung dumating na ang sasakyan, akala ko metered taxi, yun pala kotse na may kalumaan na tingnan. Malas ko lang at dinala ako sa terminal 1 kasi dun daw kukuha nang OEC. Haaisssst sumakay na naman ako nang ibang taxi papunta fiesta mall duty free. Sobra akong disappointed talaga. Kalahi natin niloloko tayo. Memorize na memorize ko pa muķha nang lady guard na yun. Last Oct 20, 2014 po pala ito nangyari nung pabalik na ako abroad galing bakasyun.

    • Natural na lahat ng masasamang tao sa buong mundo lolokohin kahit na sino. Di sila namimili, banyaga o kalahi. Di lang Filipino gumagawa niyan. Mas nanibibiktima nila ang kalahi dahil sila ang marami at mas malapit. Ano, pupunta pa sila sa ibang bayan para mang-gancho?

  3. Hindi lang po sa terminal 2. Lahat po ng terminals ng naia ganyan ang ibang taxi drivers. Nakakahiya. Mga mapagsamantala. Minsan pa kunwari wlang panukli sa 1000 or 500 tapos pag inabot mo hindi na ibabalik, kunwari ngmamadali kc masisita daw. Last nov 16 lang, sabi nung barker 1200 pesos daw papuntang heritage hotel lang. Un na daw pinakamababang rate nila. Akala nila ofw ako kaya sila namamantala. Isip isip din nmn. Pinapakain mo sa pamilya mo galing sa panggugulang. Para mo na din pinakain ng galing sa nakaw pamilya mo.

  4. Nabiktima narin ako nito. Sa Terminal 3 naman. Namiss namin ung flight namin ng kasama ko, kahit matapos na kami nakacheck in, inoff load kami ng Cebu Pacific before closing ng gate. Dalawa lang kami nun, pareho pa kaming babae. Madaling araw nangyari mga between 12-1 am. Since naoffload kami, sa departure area kami sumakay ng taxi at hindi sa arrival area since pagod at frustrated na kami nun. Pagsakay namin at settled na lahat sa taxi, pagkaalis plang sa airport napansin ko ung metro hindi naka-on. Sinabi ko sa driver, sabi nya airport taxi daw sya. nakipagtalo ako na hindi sya airport taxi, kse lahat ng airport taxi nasa baba at ung pintura nya sa labas e regular taxi. Sabay pakita nya sakin ung laminated break down ng prices ng destination, 2000pesos daw hanggang commonwealth. sabi ko asan lisensya nya na airport taxi nya, pinipilit nya ibigay ung laminated breakdown, sabi ko hindi naman lisensya un kaya sabi ko ibalik kami nlang kami sa airport, sabi nya hindi na pwede kse kakapasok lang namin ng skyway, sabi ko ibaba nlang kami sa unang exit ng skyway, sabi nya cge pero 1000pesos daw babayaran ko. nanggigigil nko pero iniisip ko nlang ung foreigner kong ksama. natakot narin ako nun. so nung paghinti namin, sabi niya “Maam, 1000pesos po” sabi ko “mamaya” . Tapos nung sinubukan kong bumaba ng taxi, nakachild lock mga pinto. hindi kami makababa. nakikipagtalo sakin na magbayad daw muna kami bago nya kami pagbubuksan ng pinto. takot na ako kaya binigay ko nlang. binuksan nya pinto at nagsimulang magbaba na ng gamit namin habang ako eh kinuhuha ng license plate nya. wala rin naman nangyari nung nireport ko na sa pulis. pero nakakatakot ang ikulong ka sa sasakyan gamit ang childlock. 2012 pa to nangyari. matagal na tong modus na to hanggang ngayon di parin nila hinuhuli ang mga ito.

    • Yung ksama ko pla, Bruneian, hindi sya mukhang foreigner. Mukhang pilipino sya at hindi sya nagsalita all through out. So hindi kami biniktima dahil foreigner ksma ko. modus tlga sya

      • nagpapatangay ka lang sa takot. yan isang lumang modus takutin ka. kaw dapat ang nANAKOT SA KANYA. pwede mo nga basagin salamin ng taxi at humingi ng tulong. takot lang ng driver pag sinabi mo yun. nagpadala ka lang sa takot. diskarte yan ng mga driver maging aggressive at takutin ka.

  5. Nangyari na to sa akin sa terminal 3 kasabwat ang guard dyan. Nagtanung ako sa guard kong saan banda yung airport taxi. Pagkakamali ko nagtiwala ako kasi guard nga dinala nya ako sa akala ko airport taxi eh rent a car pala. Tinawag nya yung naka assign at sabi airport daw sila at ang rate from terminal 3 to kabayan hotel is 1000. Sa wala akong alam sa rate ng airport taxi at minamadali nila akong sumakay eh nadala na ako. Sa huli ko na nalaman na from terminal mga 200 lang magagastos kung metro. Grabe na to dapat mahuli na at isibak na yang guard na yan.

  6. I was a victim of that modus almost 4 yrs ago with that same taxi number and operator. The driver told me that they have fixed rates for a specific location. I paid more than Php2000 dropping me in Makati only. It seems that those guards are involved too.

  7. Rackets exist at the airports both domestic and international since time immemorial. Years ago I encountered a similar situation wherein the driver dropped me just after the ramp landing from international because I was not prepared to pay the high taxi fare he wanted. It was raining hard at that. I took the plate number & taxi name. I was working with the Manila Times then so I filed a complaint with LTO and LTFRB. The driver was stripped of his license for 2 weeks while undergoing seminar. The operator apologized and fired the said driver. All victims should find time to pursue their complaints to give these SOBs a lesson

  8. Meron pang isang Modus dyan yung sasabihin per kilometer ang bayad sa rate ng Taxi Php 300 yun pala yung kilometer reading nila sobrang bilis. If I remember na text ko yung taxi name sa LTFRB hotline nila pero walang action na ginawa. mga Inutil kung ganyan mga paliparan natin at sila mag welcome sa mga bisita ng pilipinas Bulok Bulok Bulok sisirain nila ang image ng mga Filipino….. mga letse…. LTFRB, NAIA 1,2,3,4 LTO

  9. Ganyan talaga, kapag ang airport management e wala din sumisita. Pare parehong buwaya. Kawawang pilipino.

  10. Friends, keep calm. Take photos so we can expose the crooks. We can choose the better, more honest drivers. Travel light so you can go up to Departure area to get the cabs which have just unloaded departing passengers.
    Tweet, tweet, tweet

  11. my isa pang MODUS jan nag bakasyon ako sa pinas galing ako singapore dumating ako mga alas singko n ng madaling araw pag sakay ko ng taxi sa departure yung taxi tinanong ko metro po b yan? sabi ng driver “OO” daw tpos pag sakay ko “sobrang bilis” mag salita di ko n maintindihan sa bilis mag salita bsta pa ulit ulit nlng ako sa tanong ko

    ako: metro lng yan manong ahh???
    driver: oo metro sir

    nsa “casino” pa lng ako malapit sa airport n gulat ako bill ko nsa 600pesos n kagad. yun pla ang modus nila ang bilis mag salita ang pinapaliwanag pla niya nun “200 per kilameter tyo sir” potangina siya pa galit pinapaliwanag daw nya sken n 200 per kilameter OK daw ako ng OK, yan n nag ka badtripan na. akala nmn nya mtatakot nya ko at sinisindak ako nkipag sagutan nko sa driver mtatalim n salita hindi ako ntakot dahil payat lng yung driver at maliit.. ending binayaran ko ng “60 pesos”

    moral lesson.. “intindihin maigi sinasabi ng driver, linawin ang usapan bago sumakay at wag n wag mag papauto sa mga gagong driver n yan pra hindi umabuso, KUNG DI KAYA ANG DRIVER MAG PA BABA KA SA PINAKA MaLAPIT n POLICE STATION”

  12. na experience ko rin toh.. but next time hindi na kau makkaulit sakin…. merun din yan cla pina kita sakin na laminated na price rates kaloka… napaicp tuloy ako ganyan na ba tlaga ngayun ??lol pasalamat lang cla talaga…… sobrang ahappy ko nun araw na yun.. pero nakpang gigil after..

  13. Nangyari sa akin to once yung 10 pesos per 100 meters pagbaba ko sabi ko di ko babayaran yang 350 pesos sa metro mo 80 lang sagad na sabi ba naman arte nito e di wag ka magbayad binirahan ko ng baba at di nga ako nagbayad. Haha.

  14. It happened to us also last year. Walang traffic at regular metered cab nasakyan namin. From airport to Ortigas nakipagkasundo kami na Php500 para lang isakay kami. Tapos nung nasa Boni na biglang sinabi Php800 na when in fact ala pang 200 ang nasa metro. Sa galit ng kasama ko dahil ang ayos na nang usapan tas biglang mananaga nang price, nasuntok niya yung metro at minura ang driver na manloloko. Sa takot ibinaba na lang kami ng driver at pinabayaran ang kung anong nasa metro. Mas mainam pang sumakay sa airport taxi slam mong ligtas ka at di ginagago kaysa sa regular metered nga lolokohin ka naman at maaaring saktan pa. Sa Cebu ibang iba ang mga taxi driver. Pati yung patak sa metro malalaman mong mandaraya karamihan dito sa Manila.

  15. Hindi na yan bago na modus operandi ng mga taxi driver jan sa Naia, since 2010 pa yan. Galing akong abroad tapos yung sinasahod naman namin sa abroad hindi dollars pro yung singil nla per metro dollars, anu yun? Kapal ng mga mukha ng mga taxi driver na ganun yung raket kaya hindi cla umaasenso dahil sa mga pinanggagawa nla. Imagine from naia terminal to international village 1500? Mas mahal pa pamasahe ng taxi cumpare sa plane pauwi sa province namin. At ska yung mga guard jan sa naia, bubuksan kalng ng pintuan pra makasakay ng taxi at hihingi pa ng lagay, mahiya naman kayo, bibigyan mu ng pera, sabihan kapa na kulang. Hay ewan bansang pilipinas, kailan magbago mga tao jan..Kaya nakakawalang ganang dumaan sa manila. Gudluck sa mga manloloko. c God nalng bahala sa inyo…

Loading…

0

WATCH! These Drunk College Students Belt Some Aerosmith Song When They Got Stuck In The Elevator

Ways to Improve Relationship