Hugot lines that first marked from “One More Chance” movie of Bea Alonzo and John Lloyd Cruz have gone a very long way until Cinema One Originals “That Thing Called Tadhana” emerges to be the new source of notable quotes in mending a broken heart.
For everyone can relate into this, give time to read and refresh once more relatable hugot lines which leave mark in our battling hearts.
1.) Mace: Para sa’kin kung mahal mo, habulin mo dapat ipaglaban mo ‘wag mo hintayin na may magtulak sa kanya pabalik sayo. Hilahin mo. Hanggat kaya mo ‘wag kang susuko, ‘wag kang bibitaw. Sorry, mahal ko eh.
2.) Mace: Wala naman pala ‘yun sa tagal ng relasyon. Kung hindi ka na nya mahal, hindi ka na nya mahal.
3.) Mace: Hindi na kita mahal makakaalis ka na. 7 words. Yung 8 years namin nagawa niyang tapusin 7 words.
4.) Mace: Alam mo ‘yung sinabi ni F. Scott Fitzgerald?“There are all kinds of love in this world but never the same love twice.”
5.) Anthony: Sa’n mo gusto pumunta? May Burnham park, Mines View park. Pwede tayo maglakad. Pwede tayo kumain. Pwede tayong matulog. Anung gusto mo? Mace: Makalimot.
6.) Anthony: Sabi nga nila diba kapag kayo, kayo talaga. Dadalin ka nalang ng tadhana ng kung sinuman, yun ay tanga. Tanga.
7.) Anthony: Tulad nga ng sabi ni John Lloyd, pa’nu ba ‘yun? Kaya tayo iniiwan ng mga taong mahal natin kasi may paparating pa, yung magmamahal sa’tin at magpaparealize sa’tin kung bakit naging mali yung dati. Paparealize rin satin kung pa’no tyo dapat mahalin.
8.) Mace: Ang wish ko, na sana hindi ko na siya mahalin.
Anthony: Okay daw sabi ng shooting star.
9.) Mace: Gaano katagal bago mo siya nakalimutan?
Anthony: Matagal
Mace: Gaano nga katagal? 1 year? 2? 3? 4? 5?
Anthony: Importante pa ba ‘yun?
ang mahalaga, nakalimutan.
10.) Anthony: Kasi ‘yung ganyang kalaking pagmamahal, ganyang overwhelming love, imposibleng walang pupuntahan eh. May mababalik sa’yong pagmamahal. Not necessarily sa taong pinagbigyan mo, pero sigurado ako, mababalik ‘yan sa’yo.