There are a lot of horror stories everywhere. Some of it is true, while the others haven’t been confirmed if it is actually a real one.
These kinds of stories say that stories happen usually in places such as cemeteries, old church, and abandoned house, to name a few. But have you heard of a story which occurred in the internet?
Here’s the horror story of a ghost which was posted on Facebook and went viral quickly:
“Alas tres ng madaling araw ng magising ako, dahil nakaramdam ako ng pagka-ihi. Agad akong bumangon, at nagbanyo sa pag akalang pagkatapos ‘kong umihi, makakabalik na ‘ko sa pagtulog. Pero, nagkamali ako. Dahil, kahit ano ‘pang pikit ‘ko ng mga mata ko, ayaw na ‘kong dapuan ng antok. Naisip ‘ko, siguro mas madali akong aantukin kung papatayin ‘ko ilaw ng kwarto ‘ko, pero, mas sanay ‘kong natutulog na bukas ang ilaw. Kaya iyon nga ang ginawa ‘ko, tumayo ako ng kama at, pinatay ang ilaw ng kwarto ko. Pagkatapos, humiga at pinikit ‘ko na mga mata ‘ko. Pero, bigo pa rin ako kasi ayaw na talaga
‘kong dapuan ng antok. Naisip ‘ko na mag facebook na lang kaya ‘ko muna, baka sakaling bumalik ang antok ‘ko. Nakahiga ‘kong inabot ang isa sa dalawa ‘kong cellphone na nakapatong sa mesitang katabi ng kama ‘ko, at nagsimulang mag-facebook. Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng mga posts ng mga kaibigan ‘ko ng makatanggap ako ng isang message. At ng tingnan ‘ko pangalan sa messenger, napa-isip ako kung kilala ko ba siya? ‘Lucia Joaquin’, ang pangalan niya.”
Apparently, the ghost Lucia Joaquin started to initiate a small talk with him.
“LUCIA JOAQUIN: Hi.
ENZO CRUZ: Hello.
LUCIA JOAQUIN: Kuya, Pwede po ‘bang Makipag-usap?
ENZO CRUZ: Ha? Tungkol saan?
LUCIA JOAQUIN: Kahit na Ano po. Wala po kasi ‘kong makausap. Nalulungkot po ako.
ENZO CRUZ: Ganun ba? Bihira lang kasi ‘ko makahanap ng kausap sa mga oras na ‘to. Karamihan sa mga friends ‘ko, tulog pa.
LUCIA JOAQUIN: Bakit po kayo, gising na?
ENZO CRUZ: Actually, nagising lang ako. Nagpapa-antok lang ulit ako, kaya napa-Facebook lang.
LUCIA JOAQUIN: Hindi kaya kuya kaya ka nagising dahil may gumising sa’yo?
ENZO CRUZ: Ha? What do you mean, Ate?
LUCIA JOAQUIN: Wala po kuya. Nga pala, Kuya, ang pogi mo. ‘Nung nakita nga kita, nagkagusto ako agad sa’yo eh.
ENZO CRUZ: Ha? Nakita saan?
LUCIA JOAQUIN: Dito sa mga pictures mo. Tinitingnan ko kaya ngayon.
‘Nang mabasa ‘kong tinitingnan ni Lucia mga pictures ‘ko sa Facebook, agad naman akong pumunta sa timeline ‘ko, para aqlamin kung ano anong mga pictures mga tinutukoy niya. Pagkatapos, pumunta naman ako sa profile niya para tingnan din mga litrato niya ngunit ganon na lang aking pagtataka sa kanya.
ENZO CRUZ: Bakit walang laman ang timeline mo?
LUCIA JOAQUIN: Kakagawa ‘ko lang po kasi ng Facebook ‘ko eh.
ENZO CRUZ: Tapos yung profile pic mo, ang dilim ng picture?
LUCIA JOAQUIN: Madilim po kasi dito sa Kuwarto eh.
ENZO CRUZ: Wala bang flash ang camera ng cellphone mo?
LUCIA JOAQUIN: Meron naman po.
ENZO CRUZ: Gamitin mo para malinaw ang picture.
LUCIA JOAQUIN: Sige po. Nga pala kuya gawin kitang close friend dito sa Facebook ‘ha?!
ENZO CRUZ: Sure. Sige.
LUCIA JOAQUIN: At dahil, close friend na kita, dapat magkaron tayo ng litraro na magkasama tayo.
ENZO CRUZ: O sige payag, kapag magkita tayo, pa-picture tayong dalawa.
Nasa ganon kaming pag-uusap sa messenger, nang biglang naramdaman ‘kong nag-vibrate ang isa ‘ko ‘pang cellphone. Kinuha ko ‘to para tingnan. Ganon na lang ang gulat ‘ko nang mag-flash ‘to ng pagka-unlock ko. Nakakapagtaka ‘rin kung bakit nag vibrate bigla, wala namang nag-text o miss call sa’kin. Muli pa pinatong ‘ko ‘to sa mesita.”
The story of Lucia Joaquin also had a video for a more spooky effect.
LUCIA JOAQUIN: Kuya, pwede ‘bang malaman kung ilang taon ka na po?
ENZO CRUZ: Sa tingin mo? Ilan?
LUCIA JOAQUIN: Siguro mga 18? Haha
ENZO CRUZ: Binobola mo naman ako eh.
LUCIA JOAQUIN: Hindi kuya yun ang tingin ‘ko sa’yo dito sa picture mo.
ENZO CRUZ: O sige na nga, Thank you. Pero sa totoo, 25 na ‘ko eh.
LUCIA JOAQUIN: Wow! Mukha ka talagang bata kuya.
ENZO CRUZ: Salamat ulit. Eh, ikaw ba ilang taon kana?
LUCIA JOAQUIN: Anong hula mo kuya?
ENZO CRUZ: Mahirap hulaan eh. Ang dilim kasi ng kuha mo dito sa profile picture mo.
LUCIA JOAQUIN: Gano’n ba. O sige kuya sandali at maglalagay lang ako ulit ng bagong picture.
ENZO CRUZ: Oh, sige.
LUCIA JOAQUIN: O, ayan kuya, nakalagay na ako ng bago. Check mo nga.
ENZO CRUZ: Sige, tingnan ‘ko sa account mo.
Nang pumunta ako sa timeline ni lucia ay ganon na lang ang pagtindig ng aking mga balahibo, matapos makita ang bago niyang upload na litrato. Sa litrato ay nakahiga siyang nakangiti sa tabi ‘ko.”
Along with the fear-provoking story, the picture of Lucia Joaquin was also posted.
This internet horror story immediately went viral on Facebook and also on Twitter. As a matter of fact, the topic went trending both locally and internationally.
Netizens who had seen the post said that this story isn’t something worthy of everyone’s time, while the others thought it was indeed horrifying.
What do you think? Did Lucia Joaquin scare you?