- A netizen named Joanna Marie Armas Adviento shared on a post what she had witnessed on a rainy day at 168.
- Adviento claimed that she heard the man talking to a friend saying he needs to drink medicine but he couldn’t because he doesn’t have any earnings yet from selling ice cream.
Employment is one of the hardest phases in a person’s life, as it is necessary to be able to support a family of your own.
Generally, a profession depends on degree, but most of the time, it is based on a person’s skills given the fact that a certain job that they prefer might not be accessible due to various reasons.
When a person gets employed, there is a specific time when they have to quit their job because of their physical limitations caused by old age. As a matter of fact, most employees retire when they hit the age of 60 or later.
However, retirement usually doesn’t apply to everyone given the fact that they still need to work for the sake of their loved ones.
One of the hard working people who exist is Marciano Ricardo Jr. He is a 77-year-old ice cream vendor who continues to make a living be it a sunny or a rainy day.
Mang Mario’s story was shared by a Facebook user named Joanna Marie Armas Adviento to her personal account which later on went viral.
Continue reading to know more about Mang Mario’s life story.
“’ULAN’
Malakas ang ulan nung nakita ko si Tatay sa tapat ng 168. Kinakalembang yung bell nya nababakasakaling may bumili sa kanya. Sya po si Marciano “Mario” Ricardo Jr. 77 years old. Ice cream vendor. Di ko maiwasang tignan sya non, kasi may mali akong nakikita sa kanya. Yung tipong may ininda syang sakit. May isang ale na nakipagkwentuhan sa kanya, by the way 44yrs na syang nagtitinda ng ice cream at kilala na sya halos ng vendor sa divi. Narinig ko na sinabi ni tatay “di pa nga ako kumakaen kailangan ko uminom ng gamot ko kaya lang wala pa akong benta.” Grabe! Sobrang kinurot yung puso ko nung narinig ko yon.”
Adviento said that she happened to be at the same place where Mang Mario was and overheard his conversation with someone.
“Di na ko nakatiis nakiepal na ko. Nagtanong ako “Tay. Ok lang ba kahit tinapay at kape lang?” Sabi nya ok na daw yon. Sabi ko kahit sana konti basta may laman ung tyan nya kasi ang dinadaing pala nya sumasakit na rayuma nya kasi malamig. Kaya gusto na nya nakainom ng gamot. Nagpabili ako ng tinapay at kape yon kasi ang nasa tapat namin na pwedeng ilaman sa tyan nya. Habang kumakaen sya nagkwentuhan kami malakas ang ulan di pa rin ako makaalis. Nakwento nya na may isa syang anak nag-wawalis sa Malabon. By the way sa Malabon sya umuuwi. Sa divi sya nag-lalako ng ice cream gamit kariton nya, tapos sa may Brgy. 160 nya pinapark tapos from there uuwi sya ng Malabon.”
She couldn’t ignore the fact that the man has an empty stomach in the middle of the cold day, which is why she decided to join the conversation and ask Mang Mario if he would accept a simple bread and coffee for his meal.
Since the rain was heavy, Adviento decided to stay for a while and engage in a chit chat with the man.
“Back to the story 3 daw lahat ng anak nya namatay yung 2. 2 na lang sila ng anak na magkasama. Kailangan din daw nya magtrabaho kasi nangungupahan pa sila ng bahay. Dumadami na ang tao sa paligid namin nakikinig sa paguusap namin sabi din nila masipag si tatay lagi andon nagtitinda umulan umaraw tulak tulak nya ung kariton nya nagbabakasakali na makabenta sya para may maiuwi sa bahay nila. 150-200 daw kinikita nya sa ice cream. Mula umaga hanggang 4pm ng hapon. Sabi din nya may nag-alok daw sa kanya na dalhin sa bahay ng mga madre kaso sya na tumanggi baka daw lalo syang magkasakit at manghina kapag andon sya. Mas gusto nya magtrabaho talaga. May isang babae don ba palagi syang binibigyan ng pera kasi awang awa na sya. Hirap na rin kasi maglakad si Tatay. Sabi pa nga nya na Jessica Soho na daw sya. May tumutulong din daw sa kanya sa pang bili ng gamot nya.”
Mang Mario revealed that he is still working regardless of his age because he and his child needed to pay their rent. He also shared that there are good people who share their blessings with him every now and then.
“Hanggang sa mabanggit ni Tatay na gusto ko na sana magpahinga sa pagtitinda pero di pwede. Another heart break! Sabi ko sa kanya kung ano bang gusto nyang gawin para di na sya magtinda ng ice crean sabi nya ‘gusto ko sana magtinda na lang ako ng fishball sa tapat ng bahay namin.’ Naisip ko lang naitanong kasi awang awa na ko sa kanya. Nung sinabi nya yon sabi ko sa kanya babalikan ko sya. Bibilhan namin sya ng pang fishballan nya. Para kako hindi na sya lalayo sa kanila at mahirapan sa kakalakad. Nakwento din nya na naliligaw sya minsan pauwi kasi di na nya nababasa ung mga sign board ng jeep.”
What’s more heartbreaking is when the man confessed that he wants to stop working but he just couldn’t do so. Adviento thought that if he can’t quit his job, she’ll just make working easier for him and generously offered materials to start a fishball business.
“Medyo umaambon pa pero kailangan na nya umuwi binigyan sya ng kapote ni Tita Odet (isa sa nagtitinda sa divi). Kinuka ko na rin number nya para sya kontakin ko kapag babalikan ko na si tatay. Sinabayan ko na si tatay maglakad. Kailangan ko na rin kasi balikan bf ko na matagal ng naghihintay sakin sa Tutuban Center. Bago kami maghiwalay ni Tatay inaabutan nya ako ng tinda nya, inaabutan nya ako ng ice cream. Di ko na tinanggap sabi ko na ang sa kanya na babalikan ko sya at hintayin nya ko.
Kahapon July 18, binalikan namin si Tatay. Bitbit ang mga pang fishball nya. Binilhan namin sya ng mga gamit na kailangan nya. From kalan, to the plastic cups. Pinuntahan ko yung pwesto ni Tita Odet kung san dapat kami magkikita ni Tatay, hahabilin ko sana na kapag dumating si Tatay pakihintay kami kakaen muna sana kami kasi 2pm na di pa kami naglalunch tska 3pm naman daw pupunta si tatay.”
The next day, Adviento fulfilled her promise and bought everything Mang Mario will need to operate a street food business. She made it possible due to the donations she received on behalf of Mang Mario.
“Kaso pag dating namin don andon na si Tatay nakaupo sa gilid hinihintay na kami. Nung nakita ko sya napasigaw ako “Tay!”. Di ko pa nga sya nakilala kasi nagpakalbo sya. Sobrang saya ko kasi finally mapapahinga na sya sa bahay nila. Niyaya ko sya kumaen ayaw nya kumaen na daw sya. Sinabi ko na sa kanya na bitbit na namin ung mga gamit nya. Sobrang thank you sya ng thank you. Naiiyak na ko. Sabi ko sa kanya ipangako nya sakin na di na sya maglalako opo sya ng opo. “Marami pong salamat. Opo. Opo” yan madalas nyang sinasabi.”
Mang Mario was very grateful for seeing that Adviento really did buy what he needed to start a new business.
“Iniisip namin pano sya makakabyahe di nya kayang bitbitin ung mga dala namin. Sabi nya susunduin sya ng anak nya kila Chairman Jordan. Sa may bgry hall daw. Mga alas singko daw sya puntahan ng anak nya kasi galing ng trabaho pa. Sabi namin ihahatid na lang namin sya sa sinasabi nya pumayag naman sya. Habang nakasakay kami sa pedicab nag-papasalamat pa rin sya. Sabi ko sa kanya “tay di sakin galing tong perang pinangbili ng mga to. may taong magpadala nito para sayo.” Nagpasalamat sya uli. Sabi din daw ng anak nya maraming salamat. Umiiyak na si tatay sabi nya “pagod na ho talaga ako magtinda ng ice cream. kaya maraming salamat sa inyo.” Grabe iyak na iyak na koo! Damang dama ko yung pagod nya. Medyo malayo yung pinaghatiran namin sa kanya nakasakay pa kami non pano pa sya na hirap na maglakad. Kaya sobrang worth it syang tulungan. Pag baba namin “Mang Mario” yan agad bungad samin nung mga tambay don. Sabi nga nila na masipag yang si Mang Mario magtinda. Pati ung driver ng pedicab kilala sya bata palang daw sya nakikita na nya si Mang Mario ngayon may anak na sya magtitinda pa rin si Mang Mario. Pati binilhan namin ng mga kaldero kilala din sya. Halos lahat ata ng mga nagtitinda din kilala sya kasi sobrang tagal na nya talaga na paikot ikot sa divi.”
“Oras na para magpaalam kay Mang Mario. Kailangan na namin umalis gagabihin na kami masyado. Kinausap ko sya sabi ko wag na aalis ng bahay nila para magtinda ng ice cream. Wag na syang maglako. Wag na syang lalayo sa kanila. At sana mapalago nya ung mumunting binigay namin. Inabutan ko rin sya ng cash pang bili ng paninda nya di namin sya mabilhan ng mga kikiam kasi baka masira lang wala daw silang ref. Kaya sabi namin sya na lang bumili. Nag-bless na ako kay Tatay. Nag-paalam na kami. Sabi ko sana magkita kami ulit. Ang saya ko tignan syang kumakaway samin at nakangiti. Ang saya sa pakiramdam na kahit papano nakatulong kami. Na di na sya mag-lalakad ng sobrang layo para lang kumita na sa edad nya dapat nasa bahay na lang sya.”
“Maraming salamat din sa mga taong tumulong sakin Janine for the financial sa kanya nanggaling yung pinangbili namin ng kailangan ni tatay, kay boyfriend Jeffrey for the support at sa pagtulong sakin and of course kay Tita Odet na contact person namin na naging tulay din para makita ko uli si Tatay. At sa lahat ng tumulong, tumutulong at tutulong palang kay tatay. Maraming salamat sa inyo. God bless you
I wish you well tay! Sana magkita pa tayo uli. Di ko nakuha address mo sa Malabon. Pero gagawa pa rin kami ng paraan para madalaw ka don. Ingat ka palagi tay! God bless you.
Ps: Sa mga taga Malabon po, baka may nakakaalam sa inyo san sa Malabon si Tatay nakatira. Paki pm na lang po ako. Gusto pa rin po namin syang dalawin. Salamat po.”
Nothing really beats the feeling of being able to make someone’s life easier.
Imagine, Mang Mario won’t have to suffer traveling all the way to Divisoria just to sell ice cream. He won’t have to worry about being lost if he can’t read the sign boards well.
From now on, he can make a living without leaving a place he is most comfortable with – his place.
Meanwhile, a lot of netizens thanked Adviento for doing such act of kindness for the sake of Mang Mario.
It is really rewarding to know that you have done something good in another person’s life. Knowing that they won’t have to suffer anymore makes you realize that investing your time and effort is truly worth it.
What a wonderful thing to know that there are a lot of people out there who are more than willing to help without asking for anything in return, isn’t it?
Now, what can you say about our featured story? If you were in Adviento’s shoes, would you have done the same or would you do a different way to help Mang Mario?