in ,

Ogie Diaz calls out Mocha Uson’s malicious intent on video posting

  • Ogie Diaz posts an open letter to Mocha Uson on his Facebook account.
  • The comedian answers Uson’s question in her post on her page regarding the comparison of Pres. Duterte’s recent kissing video and the late Sen. Aquino’s scene on a plane.

Filipino comedian, actor and show business reporter Ogie Diaz posts an open letter to current Presidential Communications Operations Office Mocha Uson.

In the letter, which he posted publicly on his own Facebook account, he commented about Uson’s comparison of Duterte’s viral kiss with a Filipina OFW in Korea and a video of women kissing the late Sen. Benigno Simeon ‘Ninoy’ Aquino Jr. on the cheeks and lips.

Diaz mentioned that she shouldn’t use the former Senator’s kiss to Pres. Duterte’s recent kiss. In Aquino’s situation, he wasn’t aware that the girl will kiss him on the lips wherein in Duterte’s situation, he let Uson interpret the video.

The comedian also asked if Uson really wants to raise the statuses of women in society and make men respect women more, especially that she’s also a woman herself.

He also slams Uson as he says “Well, if you can say disgusting things to the nuns who stopped the tanks in EDSA just to stop the mess, am I still surprised?”

Diaz ended his statement with a note to Mocha’s followers saying that it’s okay if they make fun of him and if he’s wrong, he’s sorry. They can just tell their mom, sisters, or daughters that he’s doing it for them.

Read Ogie Diaz’ full post below:

Dear MOCHA USON,

May payo lang ako sa yo…

Wag mo nang gamiting pang-justify sa paghalik ni Pangulo du’n sa babae yung dating halik ng isang babae noon kay Sen. Ninoy Aquino sa eroplano.

Kitang-kita mo naman sa video na pinost mo, di nagpaalam yung girl at siya mismo ang nagnakaw ng halik kay Sen. Ninoy.

Yung kay Pangulo, ibibgay ko na sa yo, ikaw na ang bumasa kung ano ang interpretasyon mo.

Gusto mong palabasin, na yung mga taong naglalagay ng malisya sa ginawa ng ating Pangulo sa smack nito sa girl ay mga “Dilawan.”

Konting lawak ng utak, ate. Wag mong isiping yung mga nagalit o nag-react sa ginawa ng ating Pangulo ay mga “Dilawan.”

Di mo ba pwedeng isipin mo na nagulat lang ang marami, lalo na ang mga kababaihan sa naging behavior ng Pangulo?

Na ang interpretasyon ng mga kababaihan natin ay hindi yon dapat ginawa ng Pangulo.

Hindi ito ang malala. Mas may malala pa noon sa mga pronouncement ng Pangulo patungkol sa babae, pero kung ako ang tatanungin mo, sanay na ako sa Pangulo, kuha ko na yon.

Pero sana, isaksak mo rin sa utak mo na hindi lahat ng nagrereklamo kay Pangulo ay Dilawan.

Ayaw mo bang iangat ang pagkababae mo? Ayaw mo bang pairalin ang pagrespeto ng mga lalake sa mga kababaihan, lalo na’t isa ka ring babae?

Kunsabagay, yung mga madre nga na humarang ng tangke sa Edsa para matigil lang ang gulo at pagdanak ng dugo, binaboy mo din. Magtataka pa ba ako?

Kung tama o ayos lang para sa yo ang ginawa ng Pangulo dun sa babae, wala naman talaga akong magagawa eh. Ikaw yan eh. Ikaw na yan eversince.

Pero isipin mo din, paano pa maipagtatanggol ni Ninoy ang sarili niya sa akusasyon mo kung sino ang mas malala sa kanila ni Pangulo pagdating sa babae kung patay na yung tao?

Anong gusto mong patunayan habang pinapasweldo ka ng taumbayan? Kahit nga ang Pangulo, kaya na niyang depensahan ang sarili niya.

Paano kung mag-sorry ang Pangulo sa inasal niya? Deadma ka na? O Mariringgan ka na naman namin ng, “Ayan, nag-sorry na ang Pangulo”?

Kaya wag na ikaw, Mocha. Wag na ikaw, please. Dahil babae ka at ayokong bastusin ka ng mga kalalakihan, wag na ikaw ang mag-justify sa naging behavior ng Pangulo. Lalong wag mo nang buhayin yung taong matagal nang patay na may mas nagawang kabayanihan kesa sa yo.

Kasi ayokong ibalik at i-post na naman ng mga di nakakaintindi sa iyo yung mga dati mong ginagawang pagdukot sa ari ng lalake o pagpapalamas mo ng dede mo pag nagso-show ka…

Kasi baka mabalewala ang “kiss entry” nina Pangulong Duterte at ni Ninoy at sasabihin nilang, “Put— ina, uwian na, may nanalo na.”

Alam ko, hindi mo gugustuhing mangyari ito kasi alam ng lahat, nagbago ka na. At sana, sa pagbabago mo, wag mo pa ring kalilimutang isa kang BABAE.

At kinatawan ng mga BABAE sa gobyerno.

PS…

Sa mga followers ni Mocha, pasensiya na. Okay lang kung ookrayin nyo ko. Kung mali ako, sorry po. Pero pakisabi na lang sa mga ina at kapatid o sa mga daughters n’yo, para sa kanila ito.

Written by J M

Police arrests ‘Pak Boys’ for alleged rape act toward minors

Bong Go: “Uson will apologize to Kris Aquino”