- Netizen saved a girl from potentially getting taken away by a bus.
- The girl was sleeping in the bus when she was suddenly left alone, resulting to a concerned motorist going back to the vehicle to wake her up.
A Facebook user named Edward Janen Azucena Ortega shared a “life changing” experience that others can learn from.
He narrated that he was having a bad night and decided to stay in Market Market until around 2AM of September 12. He went to Guadalupe to ride a bus to Cubao.
There were around 20 passengers on the bus that he rode.
Ortega thought that he will be able to head home immediately, however, the conductor asked them to get down near a waiting shed in Ortigas. When he asked the reason, the driver answered that there’s something wrong with the driver.
This post is to give AWARENESS sa inyo and to share my life-changing experience na rin. It’s been a week na and still cannot move on sa nangyari. My apologies for this lengthy post.
Please take time to read lalo na sa mga bumabiyahe 🙂September 12, 2018 (Wednesday) 2 AM:
It was a very depressing night, full of disappointments. I stayed at Market Market – Taguig at gusto ko magliwaliw. Then 2 AM, I decided to go home and went to Guadalupe (EDSA) para magbus papuntang Cubao at doon na ulit sasakay para makauwi. Pag-akyat ko ng bus, diretso ako sa likod tapos nagbayad sa konduktor. Pero kaming mga pasahero na halos nasa 20 yung bilang (ako yata ang pinakabata), pinababa kami agad sa waiting shed, mga 100 meters away from Ortigas Avenue na napakalayo. Nagtaka ako, “Kuya bakit pinapababa?” “Ehh may diperensya yung drayber eh”. Baka may sakit yata si kuyang driver kaya pinalagpas ko na lang.
When he went down, he noticed a girl sleeping about three rows away from the driver. What confused him was that they didn’t wake her up, and the driver’s eyes were quite reddish. After he went down the bus, the driver quickly closed the door and tried to drive away.
As his conscience was bugging him, he went after the bus and knocked on the door.
Ortega made up an excuse, saying that he left his wallet inside, and the men kept on trying to make him hurry up. When he asked if they’re not going to wake up the girl, they said that she’s a companion.
Ako yung isa sa pinakahuling bumaba at sinubukan ko pang kunin kay kuya yung bayad ulit pero yung akin lang yung hindi ibinalik. Bago ako bumaba, napansin ko si ate na natutulog, 3 rows away from the driver seat. Pansin ko rin na namumula nga yung mata ni kuya. Pagbaba na pagbaba ko, sarado agad yung pintuan at umandar agad yung bus at malapit na agad sa kanto ng Ortigas Ave. Pero d’on ako inatake ng sobrang kosensya, as in! Grabe. Bakit hindi ko ginising si ate at bakit hindi siya ginising ng konduktor? Baka ma-rape or at worst, kapag lumaban, mapatay pa si ate at mabalitaan ko na lang sa balita. From a distance, napansin ko na parang pinatay nila yung ilaw sa loob tapos binuksan ulit. Mga 8 seconds siguro, takbo agad ako at nahulog ko pa yung payong. Parang ayaw ako pahabulin sa bus, pero tuloy pa rin. Malapit na mag-green yung traffic light. Nahabol ko naman pero hingal na hingal ako. Kumatok ako sa pintuan ng bus at senyas. Pinagbuksan naman nila ako, sabay palusot na “Kuya naiwanan ko po yung wallet ko”. Diretso agad sa pinag-upuan ko. Naghahanap ako ng wala naman talaga, “Kuya sorry ah hindi ko na matandaan kung saan ako nakaupo, ‘di ko Makita yung wallet ko”. Sabi ng konduktor, “Dalian mo, baka sumabog yung gulong ng bus, baka sumirit.” Mas nagtaka ako tapos pansin ko si ate tulog pa rin. Tanong ko, “Itong si ate, hindi niyo ba pabababain?” Sabi ng drayber, “’Wag mo na gisingin yan, kasama namin yan.”
The girl finally woke up and Ortega said that he can feel the anger of the driver and conductor as they went down the vehicle.
Roxanne finally knew about what nearly happened to her and thanked Ortega for his help. She also gave him the permission to publicize her name as it can serve as a reminder that everyone should be aware of their surroundings especially when travelling alone.
5 minutes kong pinaliliwanag kay ate yung nangyari. Halos maiyak ako at sorry nang sorry kay ate (out of konsensya ko na rin) at nagte-thank you sa kanya (kasi nahabol ko nga yung bus at naligtas siya sa kapahamakan). Paulit-ulit kong ine-explain sa kanya at sobrang bait din niya. Hindi ko rin inakala na magagawa ko pala kahit na nakafocus lang ako sa sarili ko ‘non. In return, sobrang pasasalamat din ni ate sa akin. Ako daw ang guardian angel niya tapos sabay tanong ng name at inadd agad ako sa FB. Instant kapatid ko kaagad siya. Super close naming sa ganoong kaigsing oras tapos overflowing talaga yung expression of gratitude. Kahit sobrang lungkot ko sa gabing ‘yon, after naman ay sobrang saya ko naman sa moment na yun. Hindi matanggal sa isip namin na what if narape nga siya or at worst, mapatay. Or, maaaring patay na ko one week ago pa at hindi ko man lang maibahagi ang kwentong ito. Manlilibre sana si ate ng coffee pero ‘wag na lang… sapat na yung ligtas si ate. Sabay na kaming nagtaxi ni ate, puro kwentuhan at hindi kami makamove on parehas (hanggang ngayon). Hinatid niya pa ko pero we spent the night till morning with alexine. Again, marami akong natutunan.
He ended his post with a few reminders for everyone and lessons that he picked up during the incident.
Narealize ko na:
1. Be attentive sa lahat ng oras, especially kapag bumabiyahe.
2. Maging concern hindi lang sa sarili, kundi sa paligid din. Sa simpleng paggising pa lang sa isang tulog sa biyahe, nailigtas mo na siya at some point.
3. Kapag kataka-taka na yung mga nagyayari, umaksyon agad… agad-agad. Kasi sa naranasan ko, paano kung hindi ko nga nahabol yung bus at si ate. Malamang, habang buhay kong magiging konsensya ‘yon.
4. Maaaring sa mabilis na oras, maraming pwedeng mangyari. Maaaring may marape o may mapatay. As much as possible, don’t go home alone, be accompanied with someone na kakilala mo.
5. Napakahalaga pala ng buhay 🙂 Sa moment na yun, d’on ko lang narealize na sobrang halaga pala talaga ng buhay. Nagbago yung perspective ko. Medyo hindi ako ganon ka value sa life pero… again, sobrang halaga pala talaga ng buhay… buhay mo man or buhay ng ibang tao. Kaya if ever, please, kahit malaman mo lang na malungkot at may depression or may suicidal tendencies ang isang tao, make some move na. Please…
The post has now reached more than 74,000 shares.