- Facebook user shares the harsh reality of commuters’ every day situation.
- She said that those in authority should make up a concrete system that would help people with their daily struggles.
A viral post from Facebook user KC Victoria described and showed how bad commuting in Manila is everyday.
People who don’t do it everyday may not understand, but this scenario is normal for those who have no choice but to gather their courage and fight through the challenge just to get to and from their workplace.
The photos showed people waiting for a ride on EDSA corner Aurora Ave. in Cubao, Quezon City as early as 6 in the morning.
Cubao, 6:00am
Ganito kaming mga sumasakay ng Bus tuwing umaga, di kami nag e-MRT dahil sa haba ng pila at takot na masiraan ang tren kaya di na kami sumisiksik doon. Minsan kami rin yung mga taong isinusuka ng tren sa tuwing palyado ito, talagang bubuhos ang tao sa ibaba para mag abang ng bus. Nasasakop na namin ang isang linya ng kalsada dito sa may Edsa Cubao dahil nga, hindi naman din kakasya ang lahat ng taong ito sa designated na sakayan doon sa Cubao Arayat. Napakaliit lang non. Sigurado ako hindi lang sa Cubao ganito.
She described that men and women alike struggle to ride the bus. People don’t mind the jam inside the vehicle as long as they can make their way to their destination.
Paunahan sa pagsakay sa bus, mapa babae o lalaki pilit na sumasabit sa bus makapasok lang sa loob. At pag nasa loob ka na, sardinas rin sa siksikan. Pero at least, sure kang makakarating sa pupuntahan.
Kung lahat ng taong ito ay sasabihan mo ng “gumising ka kasi ng maaga para di ka ma-late” eh magkakaproblema tayo. Dahil una, gaano ba kaaga kami dapat gumising? Yung wala pang araw? Eh kung late ka na rin nakakauwi dahil sa hirap sumakay? Ano pang itutulog mo? Matatapos na ang 2018 pero wala pa ring kongkretong solusyon na inilalatag sa atin para sa mga ganitong problema. Lalo na yang bulok na MRT. kabagal-bagal na rin ng takbo. Lagi pang sira.
KC added that the motorists don’t need more P2P buses but a system that works.
Totoong nakakatulong ang mga P2P pero hindi natin kailangan ng mas marami pang P2P bus o kung ano mang special bus na kulang na lang lagyan ng pakpak. Ang kailangan natin ay maayos na sistema. Sana yung mga nasa posisyon na gumagawa ng sistema, e nararanasan ang mag commute. Dahil di mo naman malalaman paano ito ireresolba kung hindi mo nararansan mismo. Higit sa lahat para may empathy naman sa mga tao.
She expressed the Filipinos’ helplessness in the face of this problem.
Nakakaawa ang mga commuter sa araw-araw na lang na ginawa ng Dyos. Kung nag co-commute ka sa umaga at ganito ang eksena, totoong maiiyak ka na lang. kasi wala ka talagang magawa. Wala ka pa sa trabaho pero yung pagod mo parang pauwi na. Nakaltasan ka pa dahil late ka. Kaya paano ka pa magiging efficient sa trabaho. Miski naman mga nasa private vehicle apektado rin nito dahil nag ta-traffic nga. Sobra na to. Hindi na nakakatuwa.