- Suzette Doctolero shared Ethel Booba’s joke on her Facebook account.
- She also expressed her opinion regarding the Philippine Literature being removed in the list of core subjects in college.
GMA Network‘s head writer Suzette Doctolero reacted to Ethel Booba‘s witty tweet about the controversy of the Philippine Literature Subject no longer being a core subject in college while Korean language will be added in the elementary and high school curriculum.
On a serious note, she said that Filipinos should be more open minded about the decision as it is actually better to learn a foreign language aside from English.
Hehe. Ang witty ni Ethel.
Pero re: this issue. Ito ang opinyon ko.
Maganda ngang mag aral din ng foreign language liban sa English lalo na at lagalag ang mga Pinoy at kung saan saang bansa nakakarating.
Maging bukas ang isip at huwag pairalin ang false nationalism. Di porke nag aral ka ng Filipino sa college ay patriot ka na 👅
She added that students have learned the mother language since kindergarten until high school. And not that the K12 has been implemented, the students will be further educated regarding the subject.
At ano pa ba, aber, ang aaralin sa wikang Filipino pagtuntong sa college? E simula kinder hanggang High School ay itinuturo na ang Pambansang wika natin? Na wikang base sa tagalog. At ngayong may K12 na, imagine ilang years pag aaralan ang Fililipino? E di dose rin, plus 1 year kung nag kinder, o e di 13 years!!. Tapos gusto pa natin na mayroon din sa college? Susme, di pa natuto? Di pa ba alam ang wikang ito pagpasok sa kolehiyo? Ano pa ang aaralin mo, sige nga? e sa totoo lang, karamihan sa students, ika cutting class lang ito.
Ngayon, kung iintroduce sa Filipino subject sa college ang iba pang Phil dialects gaya ng binisaya o bicolnon e di may relevance pa nga. Pero yun ba ang ituturo? Hindi naman.
Doctolero further said that she thinks the subject should be removed in college if it’s not the major of the student as English is actually the medium in most offices.
But if the companies will change the language used by employees, then that would be a better reason to continue learning the language in college.
Kung di rin lang Filipino major, mas mabuti ngang alisin na ang subject na ito bilang aralin sa mga hindi nagpapakadalubhasa sa lengguwahe natin. At sa halip, dagdagan pa ng kaalaman sa pag aaral ng ibang wika o di kaya ay magpaka eksperto sa wikang English lalo at paglabas ng kolehiyo, english ang medium sa office, sa abogasya, sa schools? Sa pakikipagtalastasan, sa call center, at iba pa.
Pero kung gagawing Filipino na ang lahat ng salitang gamit sa abogasya, sa gobyerno, sa lahat ng office mula sa iba’t ibang ahensya at kompanya e di go, ituloy ang pag aaral ng Filipino hanggang college… pero ito ba ang wikang gamit paglabas natin sa Unibersidad? Hindi ba’t English?