National Artist and Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) chairman Virgilio Almario found himself disappointed when legendary actress Nora Aunor revealed her political stance.
It’s no secret that Aunor is an avid supporter of presidential candidate Bongbong Marcos. He was her pick for vice president when he ran for the position in 2016.
Her support for him hasn’t changed, but the criticism she faces today is much more severe since Marcos is gunning for the presidency.
In a column Sari-Samot, Almario talked about Aunor’s questionable support for certain politicians and her failure to be recognized as a National Artist.
Aunor’s past as a drug user was the reason, Almario pointed out why two Administrations have rejected her to be recognized officially as a National Artist.
“Dalawang beses nang ipinapasok ang pangalan ni Nora Aunor sa mga nominadong ipinadadalá sa Malacañang. Gayunman, dalawang beses na ring na-reject ang kaniyang nominasyon: Una ni Pangulong PNoy; ikalawa, ni Pangulong Duterte. Sa mga usapan, warìng magkatulad ang dahilan ng dalawang pangulo, at may kaugnayan sa kontrobersiyal na kaso niya bílang drug user.
“Hindi iyon ang aking dahilan para sumalungat sa nominasyon ni Nora Aunor. Bílang isang alagad ng sining, naniniwalà ako na hindi dapat hatulan ang sinumang alagad ng sining batay sa kaniyang búhay, relihiyon, at partidong pampolitika.” Almario wrote.
He said the actress will remain loved despite her backing of “criminals” and “thieves.”
“Gaya ng pagtanggap nilá sa ibáng popular na artistang naging mga politiko at nasangkot sa mga gawaing inmoral at korupsiyon sa gobyerno. Masamâ kasi ang ating gobyerno, masamâ kasi ang ating lipunan, at nahahawa lang sa sakít ang kawawà nating mga artista. Higit sa lahat, hindi nilá mauunawaang epekto ito ng makinasyong dulot ng amerikanisasyon sa ating bayan sa loob ng nakaraang isang siglo.
“Mamahalin pa rin nilá si Nora Aunor kahit kumampi sa mga napatunayan nang mga magnanakaw at kriminal. Biktima lang siyá ng kairalan. Lahat naman ng politiko’y magnanakaw at korap. At ang lalong masaklap, hindi silá maniniwalà sa posibilidad na may marangal na politiko at higit na nararapat ihalal na lider ng bayan kaysa iniendorso ni Nora Aunor.”
But he couldn’t deny that Aunor was one of the biggest reasons why Philippine cinema has the recognition it has today.
“Siyá ang naging sagisag ng pananaig ng Filipinismo sa sining na popular, ang nasyonalismong ipinapahayag noong 1960s sa ibá’t ibáng paraan at sa ibá-ibáng sining at mukha ng lipunang nagsisikap makaalpas sa korupsiyon ng amerikanisasyon at paghihigpit ng Batas Militar. Hindi ako magtataká kung akalain siyáng Inang Bayan ng kaniyang milyon-milyong fans.”
In some way, Aunor helped the Filipino people love their country.
“Sa ganitong pangyayári, ang pag-indayog ng katangiang kinakatawan ni Nora Aunor ay isa lámang paraan upang mapalayà hábang sinusupil ang anumang nasyonalistang saloobin ng sambayanan. Isang paraan ng pagpipiit sa kaniláng totoong lunggati upang hindi masiphayo sa patúloy nilang pagdarahop at kamangmangan, upang magkaroon ng pag-asa, at upang lalo pang mahikayat tumangkilik sa amerikanisadong kultura ng bayan.
“Isang paraan ng pagbaluktot ito sa mapagpalayàng diwa ng katangiang kinakatawan ni Nora Aunor; isang pakonsuwelong pagbabago upang masiyahan ang madla sa kaniyang imahen sa halip na maging mapaghimagsik. Ganito kahusay at kasopistikado ang mapanlinlang na operasyon ng makabagong panlulupig at ginagámit ng amerikanisasyon mula pa noong Cold War at hanggang ngayon para patúloy na manaig. At para patúloy táyong manalig sa kapayapàang hatid ng kulturang amerikanisado.
“Kayâ kung magtaglay si Nora Aunor ng mga sakít na nangyayári din sa mga popular na artista sa Hollywood, ituturing ng madla na natural lang iyon. Kung maging adik siyá, lasengga, abusada, sasabihin ng kaniyang mga bayarang komentarista na kawawà naman siyá. Lubhang naiistres ng trabaho. Sobrang demanding kahit ang mga fans. At maniniwalà ang madla.” he furthered.
Aunor also apologized to the late National Artist for Literature Bien Lumbera years ago for supporting Marcos.
Lumbera told her that the Marcos regime abused the country.
“Sorry, sorry, patawad po, patawad po,” she told Lumbera.
Meanwhile, Janine Guitierrez, her granddaughter, supports Vice President Leni Robredo’s candidacy for president.