- Jeepney driver graduates from Bulacan State University
- Gary Roque, a jeepney driver, successfuly finished studying Bachelor in Industrial Technology Major in Computer Technology
Jeepney driver from Bulacan named Gary Roque successfully graduated college at the Bulacan State University.
In his Facebook post, he exposed his struggles with being a working student. He expressed how he thought that two years was enough for his college education.
Roques went back on being a college student when he started driving a jeepney. He stated that he would finish school at around 5 or 6 the works until 2 to 3 in the morning even when he knows that he’ll have classes later on.
He told the story about when he got fined because he’s loading in an illegal area.
Lastly, the jeepney driver advised everyone to not give up on their studies as it’s the only thing that will never be taken away from you.
“GRADUATE NA ANG JEEPNEY DRIVER NIYO 🙂 😉
Salamat sa 8php at 7 php nyong pamasahe nakapag tapos ako
Ipopost ko to para maging inspirasyon sa iba.
Akala ko nung una sapat na ang 2 taon napag aralan sa kolihiyo. Kaya huminto ako at nag sumikap mag hanap ng trabaho pero mali sa panahon ngayun sobrang hirap makahanp ng trabaho. Sa loob ng 2 taon pag hihinto ko sa pag aaral isang trabaho lang napasukan ko di pa angkop saking napag aralan.
Eto na nung bago ko bumalik sa pag aaral ko bilang 3rd year student ng college life ko. Dun ako nag umpisa na mag maneho at makipag siksikan at sabayan sa mga beteranong driver sa kalsada. Yung pag galing mong eskwelahan mag papalit kalang ng damit tapos mamasada kana para kinabukasan may pang baon ako. Umuuwi ako galing eskwelahan ng 5 or 6. Minsan pag 8 ang uwi namin dati mag papaalam. Ako sa mga prof ko. Na kung pwed mauna na ko. At mabait naman sila at pumapayad sila. At inaabot ako ng 2 am or 3a.m sa klasada kinabukasan my pasok pa. Pinipilit kong bumangon para makapasok kayat palagi akong nakakatulog sa loob ng klase. Pero di ako huminto sa ganong gawain pinag patuloy ko kasi gusto kong makatapos. Pero my isang trahedyang dumating sakin. Na akala ko di na tlga ko makakapag tapos nung naaksidente ako habang papasok sa iskwelahan. Kala ko katapusan na ng lahat akala ko hanggang dun nalang tlga ako. Pero hindi tinulungan ako ng mga prof ko kung pano bumangon at lumaban. Naintindihan nila ang sitwasyon ko. Salamat po ng marami sa inyo mga sir Philip Renar at sayo sir Dyolf. Na walang sawa na panay kamusta sakin at gusto mo pa kong pag laban. Balik tayo sa pag aaral so eto na thesis day na baby thesis plang namin lagi ng butas ang bulsa. Yun yung araw tlga na pumapasok akong walang tulog. Kasi 7 klase namin. Kailangan ko padin mamasada kasi sa thesis na gastos namin. Na ako palagi ang huling nag babayad dahil kailangan ko munang hanapin sa kalsada ang pang bayad ko sa kanila. Dumating yung time na gusto ko ng sumuko 1 week akong di pumasok dahil napapagod na ko. Pero sabi ko sa sarili ko pag subok lang lahat ng to kaya nag sumikap padin ako. Bumalik ako sa pamamasada at syempre sa pag aaral. At dahil kailangan ko nga ng pera naging pasaway na driver ako hahaha. Ilang besses akong natikitan lalo na sa malolos. Dahil nag sasakay ako sa bawal. Pero pag nahuhuli ako sinasabi ko (boss baka pweding pag bigyan nyo na kumukuha lang lang baon) sagot sakin ng T.I-baon para san mag iibang bansa kaba? Luma na yung palusot mo. Hahaha wala naman akong magagawa kung di siya maniwala kaya yun hinuli nya padin ako. Pero saludo padin ako sayo sir kasi ginawa mo lang trabaho mo. Pero ngayun nakapag tapos na ko sobrang thankyou ako sa inyong lahat ng naging pasahero ko dahil sa inyong pamasahe tapos na ko. At sa mga di ko nasuklian pasensya na po hirap po kasi pag sabay sabay yung bayad. At shout out sa mga nag wa123 dyan hoy bayad bayad din hahaha. Hanggang dito nalang sana maging inspirasyon ang kwento ko para sa inyo.
Baka my mag tanong may magulang naman ako bakit di ako humingi nalang sa kanila. Eto lang po masasabi ko sa inyo. Pinagana ko pride ko. Dahil unang una nasa tamang edad na ko at ayaw ko ng umasa sa magulang ko dahil dapat ako na nag susukli sa kanila ng pinaghirapan para makatapos kmi. Kaya Hanggang maaga umpisahan nyo nang tumayo sa sarili nyong paa dahil di habang buhay andyan ang parents natin.
Ps. Wag kayog huminto sa pag aaral dahil eto lang ang kayamanan na di maagaw satin.
Salamat din sa mga kaklase kong nag papakoya sakin pag my exam kung di din dahil sa inyo di din ako makakatapos.
At symepre salamat sa family ko na walang sawa sa pag suporta sakin. Sa mom ko Marieta Marieta Roque na palagi kong napapagalit. Salamat padin mommy para sayo din to. At sa ate kong walang sawang pag supporta sakin Ghie at sa kuya kong idol Nelg at syempre sa totoo tlgang jeepney driver. Reynaldo ikaw parin ang the best dad para sakin. Dahil sa pagiging driver mo napag tapos mo kming 3 pag aaral. Ikaw ang tunay kong idol sorry daddy di ako naging isang engineer di kinaya ng utak ko ang gusto mong kurso para sakin. At syempre sa mga tito kong walang sawa sa pag suporta samin. Ricky Jimmy special mention kay tito tony. Maraming salamat po sa inyo kung di dahil sa inyo di kmi makatapos.
At special mention nga pala sa dalawang igop na si sir Aldrin Kiel Reyes Gino Doon sa pag nigay ng ojt sakin haha
Pss. Anak ng driver na naging driver ngayun graduate na.
#malolos #malinta #calumpit #meycuayan
#thanksgod
GARY DELA CRUZ ROQUE
BACHELOR IN INDUSTRIAL TECHNOLOGY MAJOR IN COMPUTER TECHNOLOGY
BULACAN STATE UNIVERSITY
#GRADUATE”